Saturday, October 3, 2015

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica


Maraming siyentipiko ang naniniwalang may mga pangkat ng mga nangangasong tao ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libu-libong taon na ang nakakaraan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong Timog. Nakapagtatag  ng mga kalat-kalat na mga pamayanan sa  mga kontinente. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang pinakaunang kabihasnan sa America - -  ang mga Olmec  sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwesiyahan ng mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Ang
                                                           Ang Beringia Land Bridge
                                                                   (18,000 - 20,000)



Unang Ugnayang Asya-America

Sa panahon ng pinakahuling Ice Age, natakpan ng mga glacier ang malaking bahagi ng North America at Europe. Dahil ang malaking bahagi ng kabuuang tubig sa daigdig  maba ang level ng tubig sa mga karagatan. Ipinapalagay ng mga siyentista na ang Bering Strait sa pagitan ng Asya at North America ay dating isang tuyong lupain na tila nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente. Sinasabing ang tulay na ito ay maaaring nabuo nang makalawang ulit. Una ay noong 30,000 taon na ang nakakalipas. Ang ikalawa at noong 12,000 taon na ang nakakaraan.

Sa pagkatunaw ng mga glacier at pagkawala ng mga tulay na lupa sa Asya, naputol ang ugnayan sa pagitan ng mga tao sa America at sa iba pang mga kabihasnang umusbong sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang pangyayaring ito ay nakapagpaliwang sa pagkakaiba ng mga teknolohiyang nalinang ng mga sinaunang tao sa America kung ihahambing sa iba pang kabihasnan. Nagkaroon ng mga pagbabago sa klima ng North America bunsod ng pagkatunaw ng mga glacier. Samantala, nagging mainit at tuyo naman ang iba pang lugar na nagbunga ng pagkamatay ng ilang uri ng hayop at unti-unting pagkaubos ng mga pagkain. Natutuhan ng mga dating mangangaso ang pagtatanim ng butil at iba pang mga halamang tumutubo sa kagubatan. Nagsimulang manirahan ang mga taong ito sa mga pamayanan at magtanim.


                                                        Ang Mapa ng Mesoamerica


Heograpiya ng Mesoamerica



Ang pangalang Mesoamerica ay hango sa katagang meso na ang ibig sabihin ay “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fensoca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito ay matatagpuan ang mga anyong tubig ng ilog Panuco at Santiago. Samantalang ang katimugang hangganan ay mula sa Baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize at El Salvador. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.





Ang mga Pamayanang Nagsasaka ( 2000 – 1500 B.C.E.)







Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India at china, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica bilang magsasaka.  Nagtanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noong 3500 B.C.E. Sa pagpasok ng taong 1500 B.C.E. ay nagsimulang manirahan ang mga tao bilang pamayanan. Naidagdag  rin sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng hayop.  Ang maliliit na pamayanang agricultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon ay naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Nagkaroon ng political at panlipunang kaayusan noong 2000-900 B.C.E.  Nagkaroon ang maliit ngunit makapangyarihang pamayanan ng mga pinuno.  Nagkaroon ng ilang mga angkang nangingibabaw sa aspektong ekonomiya, pampolitika at pang-relihiyon. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec.


Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greek at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ang nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang nagging impluwesiya ng mga Maya, Aztec at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na kabihasnang klasikal sa America.








3 comments:

  1. Salamat sa karagdagang kaalaman,marami akong natotonan sa sinulat mo sakit.info

    ReplyDelete
  2. AnO po yung kasama same timog american at mesomerica

    ReplyDelete
  3. thanks this info,it helped me more,take care all

    ReplyDelete