Ang Mesoamerica ay hango sa katagang meso na ang ibig sabihin ay “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fensoca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito ay matatagpuan ang mga anyong tubig ng ilog Panuco at Santiago. Samantalang ang katimugang hangganan ay mula sa Baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa Rica.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize at El Salvador. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.
Ang mga Pamayanang Nagsasaka ( 2000 – 1500 B.C.E.)
KABIHASNANG MAYA
(250 C.E, - 900 C. E.)
Ang Mayan Civilization
Nahahati ang kabihasnang Maya sa tatlong panahon;
1. Pre-Classic – 1800 B.C.E.
- Pagtatayo ng mga pyramid
-pottery at fired clay figurines
2. Classic – (250 – 900 C.E.)
-umusbong ang konseptong urbanismo
-pagtatayo ng lungsod-estado
-Cancuen – isang malaking lungsod sa kabihasnang Maya kung saan makikita ang mga malalaki at magagandang palasyo at pyramid.
- Mayan Civilization Collapsed
3. Post-Classic
Yucatan – lungsod
Mayapan – lungsod-estado, dito sinasabing nakuha ang pangalan nilang “Maya”
Popol Vuh – Mayan Mythology kung saan natagpuan sa kaharian ng Quiche ang iba pang importanteng dapat malaman tungkol sa kabihasnang Mayan
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
Nabuo ang mga pamayanang lungsod ng Maya; Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan
Narating ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Ang katawagan sa kanilang pinuno ay halach uinic o “tunay na lalaki”. Pinalawig nila ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.
Nang lumaon ay nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiuugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakakariwasa. Nakatira sila sa mga kubo na yari ang bubong sa kugon.
Sinasabing mayroong higit na 40 na lungsod ang imperyo ng Maya. Bawat isang lungsod ay may mga residente na nasa pagitan 5,000 at 50, 000. Ayon sa The New Encyclopedia Britannica, “ang pinakamataas na bilang ng populasyon ng mga Maya ay maaaring umabot nang 2,000,000 katao na ang karamihan ay nakatira sa sa mga kapatagan ng tinatawag na Guatemala.
Sinasabing mayroong higit na 40 na lungsod ang imperyo ng Maya. Bawat isang lungsod ay may mga residente na nasa pagitan 5,000 at 50, 000. Ayon sa The New Encyclopedia Britannica, “ang pinakamataas na bilang ng populasyon ng mga Maya ay maaaring umabot nang 2,000,000 katao na ang karamihan ay nakatira sa sa mga kapatagan ng tinatawag na Guatemala.
Naging imposible sana ang pagtatayo ng mga lungsod ng mga ito taglay ang kanilang kahaanga-hangang mga gusaling bato kung hindi dahil sa pagpapagal ng mga Mayan na nagtatanim ng mais. Bukod sa pagtatanim upang may makain ang kani-kanilang pamilya, ang mga masisipag na lalaking Maya ay inaasahang tutulong sa gawaing pagtatayo. Karagdagan pa, kailangan nilang magtanim upang may makain ang mga maharlika at mga saserdote., na ayon sa pangangatuwiran ay may mas mahalagang gawaing dapat na asikasuhin.
Ang mga Mayan ay malapit sa isa’t isa. Sa katunayan, kadalasang nakatira ang mga lolo’t lola, mga magulang, at mga anak sa iisang bubong. Ginagawa ng mga kalalakihan at nakakatandang mga batang lalaki ang karamihan sa gawaing bukid. Nag-aaral naming magluto, manahi ng damit, at magpalaki ng kanilang nakakabatang mga kapatid ang mga batang babae.
Ang mais ang pangunahing pagkain ng mga Mayan. Iniluluto ito ng mga kababaihan at mga batang babae sa iba’t ibang paraan. Nariyan ang lapad na cake o ang kilala natin ngayon na tortilla. Kahit na ang inuming alcohol na tinatawag na balche ay ginagamit ng mais bilang isa sa pangunahing sangkap nito.Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid. Sa panahon ng kapistahan, ang mga ito ay dinarayo ng iba’t ibang mangangalakal, pesante at mga pari. Ang mga pari ang namamahala sa mga seremonyang pangrelihiyon. Mababakas sa mga nakaukit sa pader at dekorasyon sa mga banga ang ginampanang papel ng mga pari.
RELIHIYON
Ang mga pinaniniwalaang diyos at diyosa ng mga Mayan
Sila ay naniniwala sa maraming diyos o politeistiko. Sinasabi sa isang dokumento na may 160 silang diyos. Mayroon silang diyos na maylalang, diyos ng mais, diyos ng ulan at diyos ng araw. Naglalakbay ang mga babae sa temple ng diyosang si Ixchel sa isla ng Cozumel upang manalangin para magkaanak o kung sila ay nagdadalang-tao upang magsumamo para sa isang matagumpay na panganganak.
Mayan Goddess of the Moon
Halach Uinic
Dalawa ang pangunahing diyos para sa mga Mayan. Una ay si “Hunab Ku” na pinaniniwalang lumikha ng daigdig, ang “Nag-iisang Diyos” kahawig ni Itzamna; ang pinakamataas na Yucatec God. Pangalawa ay si Itzamna, ang diyos ng langit; sinasamba ng mga pari, patron ng mga may dugong maharlika. Ang tagapagtatag ng kultura ng Maya, tinuruan niya ang mga tao para mapalago ang mga mais at cacao, pati ang pagsusulat, mga kalendaryo at gamot. Sandaling binanggit bilang ama ng Bacabs. Nakakonekta sa Kinich Ahau at Hunab Ku.
Kinich Ahau – diyos ng araw
Kukulcan – ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent o plumed serpent.
Ixchel – ang “jaguar goddess” ng karalubhasaan sa pagpapaanak (midwifery) at gamot; diyosa ng buwan
Buluc Chabtan – Diyos ng digmaan, karahasan at sakripisyo.
Camazots - diyos ng mga paniki, sinusubukan patayin ang Maya Hero Twins na sina Hunahpuh at Xbalanque sa paglalakbay sa Underworld ni Xibalba (Kontitusyon ng pinakalumang Maya Myth na matagal napanatili sa kabuuan nito.)
The Mayan Hero Twins
Chaac – ang diyos ng kidlat, kaaway ng Camazots; diyos ng ulan
Hun Hunahpu – diyos ng mais
Lahat ng mga Mayan ay gumagalang sa diyos ng pagpapatiwakal (suicide). Kinilala rin nila ang mga diyos na kumukontrol sa bawat araw at taon. Nagsasagawa sila ng maraming ritwal at seremonya para makipagtalastasan sa diyos.
Ang mga Mayans ay nagsasagawa ng blood sacrifice para mabalanse ang mga kosmos at mapanatiling sagrado ang punong tinatawag na ceiba o “Tree of Life”
Ceiba or Tree of Life
Tuwing sumasapit ang mga panahon ng kagipitan, nagsasama-sama ang mga tao sa plaza upang bigyan ng parangal ang mga diyos. Ginaganap ito sa pyramid, at para sa matitinding hiling ay nagsasakripisyo sila ng tao. Sa paglilibing ng mga patay, pinipintahan ito ng pula ang bangkay, binabalot sa mga banig kasama ang ilang personal nilang mga ari-arian. Saka ito inililibing sa silong ng bahay ng kanilang tinitirahan. Iba naman kung para sa mga pinuno, sapagkat inihihimlay sila sa mga pyramid, sa ilalim ng temple. Pinapatay ang kanilang mga alipin at saka inililibing na kasama nila, pati na ang iba’t ibang kasangkapan na pinaniniwalaan ng mga Mayan na magiging kapaki-pakinabang sa kabilang buhay.
Pag-aalay ng puso ng tao sa kanilang lldiyos
Bilang bahagi ng kanilang relihiyosong mga pagdiriwang, binubutas nila minsan ang mga tainga o mga binti at paa. Binubutas din nila ang kanilang mga dila.Maliwanag na ipinakikita ng mga tagpong ito sa mga larawang nakaukit sa mga palayok. Ginagawa ito madalas sa mga hayop, ganundin sa pag-aalay sa tao. Ang mga biktima sa mga ritwal na ito ay ang mga kalabang sundalo at mga alipin at ganundin ang mga anak na lalaki at babae ng mga taong-laya. Sinasabi ng ilang historian, ang mga kabataang babae ay dating iniaalay sa diyos ng ulan bilang mga nobya sa pamamagitan ng paghahagis sa kanila nang buhay sa mga sagradong lawa sa Chichén Itzá. Kung makakaligtas ang batang babae hanggang sa paglubog ng araw, binibigyang kahulugan ito na kontento na ang diyos ng ulan sa nobya na naunang inihandog. Kaya ang dalagita ay iaahon sa tubig.
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay ang mga sumusunod; mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin, Ang pangunahing pananim ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Mayan, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. Gumagawa rin ang mga Mayan ng mga kasangkapang yari sa bato, mga piguring gawa sa luwad, mga nililok mula sa batong jade, mga panali, basket at banig.
Ang mga babaing Mayan, gumagawa ng mga ponchos, bahag at palda mula sa bulak o kaya ay sa mga dahon ng maguey.
Pinagmamasdan ng mga astronomer ang bawat galaw ng araw, bituin, at planeta. Ang obserbasyong ito ay ginamit ng mga tao sa pagbuo ng kalkulasyon sa maraming gawain mula sa pagsasaka hanggang sa pakikidigma. Ginamit nila ang kalendaryo sa pagtatalaga ng iskedyul ng mga seremonya. Ang isang kalendaryo ay batay sa araw. Ang ikalawang kalendaryo ay banal na may 260 araw na ginagamit sa paghahanap ng suwerte at malas na araw. Nakagawa ng isang tumpak na taunang sistema ng calendar ang mga Mayan na kabilang pa nga sa pagbilang nito ang leap year.
Ang taon ng mga Mayan ay binubuo ng 365 araw. Sa mga ito, ang 364 na araw ay hinati sa 28 sanlingg, na ang bawat isa’y may 13 na araw, Ang bagong taon ay nagsisimula sa ika-365 araw, sa Hulyo 16. Kumusta naman ang mga buwan? Ang kalendaryo ng mga Mayan, na nakalarawan sa itaas ay may 18 na buwan, at ang bawat isa sa mga ito ay binubuo ng 20 araw. Kaya ang mga sanlinggo at mga buwan ay tumatakbo nang magkaiba sa isa’t isa – yaon ay may isang eksepsyon. Minsan tuwing 260 araw (ang pagpaparami ng 13 at 20), ang sanlinggo at ang buwan ay nagsisimula sa iisang araw. Ayon sa isang reperensiyang akda, “ang kalendaryo ng mga Mayan, bagaman lubhang masalimuot, ang pinakatumpak na nalalaman ng tao hanggang ipakilala ang kalendaryong Gregorian – mula sa Funk & Wagnalls New Encyclopedia.
Nalinang ng mga Mayan ang komplikadong sistema ng hiroglipiko o hieroglyphics na kanilang ginamit sa pagtatala ng kanilang mga obserbasyon at kalkulasyon sa astronomiya at sa mga impormasyong pangkasaysayan. Karamihan sa mga nalalaman natin mula sa mga Mayan ay natutunan natin mula sa mga nakaukit sa bato at mga eskultura. Sa paggamit ng isang sistema sa pagsulat na may mahigit na 800 na titik, na marami rito ay hieroglyphic, iniulat ng mga Mayan ang kanilang kasaysayan at mga kaugalian sa mga hagdan, lintel (tulad-biga na bato) at sa malalapad at makakapal na tipak ng bato o mga haligi. Sumulat din sila sa papel na gawa mula sa panloob na balat ng ligaw na mga punong igos. Sa pamamagitan ng pagtiklop sa mga pilyego, nakagawa sila ng mga aklat (tinatawag na codex) na binalutan naman ng mga balat ng jaguar. Ang karamihan sa mga tomong ito ay nasira nang sakupin sila ng mga kastila noong 1549 C.E. subalit ang ilan ay umiiral pa rin.
Gumamit din sila ng konsepto ng zero sa larangan ng matematika. Kung titingnan ang Mayan Sacred Rounds ay binubuo ng Mayan Hieroglyphics at Mayan numbers.
Ang mga Mayan ay mahilig sa mga laro at pista. Ang pinakapaborito nilang laro ay ang Pok Ta Pok na isang uri ng basketball. Ito ay laro ng dalawang pangkat sa isang may bakod na korte na may 90 yardang haba at 40 yardang luwang. May gamit silang bola na dapat ilusot nila sa dalawang bilog at nakakabit sa magkatapat na bakod. Sinabing ang basketball ay maaaring sa larong ito nagmula.
Ang Larong Pok-A-Tok/ Pok Ta Pok
Ang Larong Pok-A-Tok/ Pok Ta Pok
Sa mga kasukalan ng Central America ay maraming labi ng mga piramideng templo na may mga malalalim na balon sa tabi. Ang mga taong pumupunta sa temple ay naghuhulog ng mga alay sa balon kaya maraming kayamanan ang nahukay dito. Maraming kaalaman tungkol sa Mayan ang nabuo dahil sa mga gamit at kayamanan na nahukay sa balon.
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnang matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E. ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng calendar ay itinigil at ang mga estrukturang pangrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E. ang karamihan sa sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Taong 800 A.D. nilisan ng mga Mayan ang kanilang lugar na matagal nilang pinagyaman.Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng paghihina nito ay ang pagbagsak ng produksyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang manipis ang mga buto nito. Anuman ang dahilan, hindi lubusang naglaho ang mga Maya.
Ganoon pa man, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450. May dalawang milyong buhay sa ngayon, karamihan ay nasa hilagang bahagi ng Yucatan at Guatemala.
Kasingtulad ng pyramid sa Egypt ang estrukturang ito, subalit mapapansin na ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay. Gawa ito sa argamansa at batong-apog.
Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang pang-relihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent”
Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang hagdan.
Ang pyramid na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika.
IBA PANG MGA KAALAMAN HINGGIL SA KABIHASNANG MAYA
1. Ang bawat Mayan ay may apat na pangalan; una ang kanyang palayaw na ginagamit lamang pag siya ay nasa bahay; pangalawa ang kanyang “Pampublikong” pangalan- ito ang tinatawag sa kanyan ng mga taong hindi niya kapamilya; pangatlo at pang-apat – mga pangalang galling sa pamilya ng kanyang nanay o tatay. Ito ay upang masigurado na hindi magkamag-anak ang kanyang mga magulang.
2. Ang interpretasyon ng kagandahang pisikal para sa mga Mayan ay pagkakaroon ng; flattened skull, malaking ilong at pagiging duling. Kung kaya nagsusuot sila ng clay noses para magmukhang malaki ang mga ilong nila.
3. Ang paraan ng pagsasakripisyo ay pag-aalay ng dugo sa kanilang diyos. Karaniwang parte ng katawan na kinukuhaan ng dugo ay ang tainga, labi at dila. Kapag mataas ang iyong antas sa lipunan, inaasahan na marami kang iaalay na dugo.
4. Pag-aalay ng puso ng tao. Nacon ang tawag sa taga-tanggal ng human heart at Chacs ang tawag sa taga-hawak ng human heart.
Atanzahob – matchmaker para sa arranged marriage
Ah kin – pari
Cancun – “lugar ng mga ahas”
Pok Ta Pok – isang laro na parang soccer
Huilich Uinic – pinuno
Batab – tumutulong sa pinuno; nagsisilbing “judge” at tax collector ng taong bayan.
Cosmos: heaven, earth and underworld
Warfare – para sa mga Mayans, ito ay isang ritwal; bago makipag-digmaan, kumakanta at sumasayaw ang mga Mayan para sa kanilang mga diyos, Matatapang ang mga Mayan at naniniwala sila na mas mabuti pang mamatay sila kaysa matalo sa kaaway.
Slash and burn – ginagamit para sa kanilang agrikultura
Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig, A.P. Serye III, ni Grace Estela C. Mateo, Ph. D. at iba pang kasama ng awtor; Rosita D. Tadeña, Ph. D., Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso Ph. D., Celestina P. Boncan, Ph. D. , John N. Ponsaran, at Jerome A. Ong, pp.88 -89
Kasaysayan ng Daigdig, SEDP serye ni Dr. Teofista Vivar, Evalina M. Viloria, Purificacion Sobritchea, at Andrea Cassanova
Pana-panahon , Kasaysayan Ng Daigdig, Celia D. Soriano, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B. Samsom, Evangeline M. Dallo, Eleanor D. Antonio, pp. 121 -122
Mga akda at iba pang imahe ay nakuha sa google.
salamat po
ReplyDeleteSalamat po
ReplyDelete